May kaklase akong Ulirang Ina

Bihira lamang akong makipag-usap sa aking mga kaklase. Dahil diyan, ngayong araw ay nakilala ko si “Mother Yokai”.

Hindi ko parin maintindihan ang kanyang kwento kung bakit iyon ang kanyang palayaw.

Gayon pa man, kaantig-antig ang kwento ni Mother Yokai.

Sabi pa nga nya, nahirapan syang pumasok kaninang umaga kasi ayaw magpa-iwan ng kanyang anak.

Agad ko naman siyang pinuri sa kanyang dedikasyon na magpatuloy na mag-aral kahit sya ay isang ina na. Kaklase ko si Mader Yokai sa AB English na section (I am an irregular student. So i have three different sections). Nasa ika-unang taon pa lamang siya sa kolehiyo. Sabi niya nahinto sya nang pag-aaral nang sampung taon. Kung kaya’t mailalagay natin siya sa 28 o 29 na taong gulang.

“Kung isipon man gud nako, kung dili ko ma-human og skwela, dili ko kapangita og kanang stable nga trabaho. Luoy sad akong mga anak. Tricycle driver raman sad ang akong bana. Mao nang maningkamot jud ko.”

(Kung iisipin ko, kung hindi ako makapagtapos, hindi ako makakahanap ng stable na tranaho. Kawawa ang mga anak ko. Tricycle driver lang kasi ang asawa ko. Kaya nagsisikap talaga ako.)

Nasabi niya rin sa akin na hindi lamang sya ang mga kaklase kong may anak nya. May mga tatlo ka tao pa syang pinangalanan na hindi ko na rin matandaan. Patunay lamang na hindi siya nag-iisa at marami pa ang mga katulad niya.

Totoo na mayroong mga ganitong kwento na hindi ko ni minsan na-rinig noong nag-aaral pa ako sa Unibersidad ng Pilipinas. Masasabi kong kahanga-hanga ang mga taong hindi nagpapatalo sa mga hamon sa buhay. Lalo na yaong mga nagiging responsable sa kanilang mga desisyon.

Kung ikaw man ay isang estudyanteng ina, saludo ako sa iyo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s